2

The Battle Within.

Bakit ka ba nagkakaganyan?
Nagpakababa ka na masyado!
Ano na nangyari sa pride mo, ha?!
Ano ka ba!?
Alam mo ba ano na tingin ng mga tao sayo?
Hoi! Gumising ka!
Wag ka masyado magpakagaga!
Wag mo na lokohin sarili mo.

~~~~~~~ o ~~~~~~~

Madali lang sabihin.
Pero napakahirap gawin!
Nasanay na ako sa ganito.
Tapos bigla na lang mawawala?!
Di ba dapat ipaglaban mo yun!?
Ou na! Nagpakagaga na kung nagpakagaga!
Tawagin mo na akong bobo!
Pero at least, nagpakatotoo ako!

~~~~~~~ o ~~~~~~~

Wala naman silang pakialam, eh.
Madali lang din naman siguro sa kanila na palitan ako.
Kasalanan ko rin naman siguro.
Masyado siguro akong naging mapagbigay.
Pero wala naman akong pinagsisihan.
Masaya..… NAGING masaya ako.
Nakakapanghinayang lang.

~~~~~~~ o ~~~~~~~

Gusto kong lumaban.
Gusto ko talaga malaman ang katotohanan.
Handa na ako.
Pero hindi pa nga ata nagsisimula ang digmaan,
Talo na talaga ako.

~~~~~~~ o ~~~~~~~

Wag mo nang itanong kung anong dapat mong gawin.
Alam mo na naman, eh!
At kahit tanungin mo pa ang iba,
yun din lang ang isasagot nila.
Nalulungkot ka lang.
Natatakot.
Hindi mo lang kasi kayang tanggapin.
At ayaw mo lang talaga makinig sa iba.

~~~~~~~ o ~~~~~~~

Paano ko nga ba maririnig ang iba
Kung mismo nga sa sarili ko,
May giyera. :/

Hainaku.

2 comments:

Back to Top