0

Irit

Nakakairita.

Akala mo kung sino ka nang magaling.

Tingin mo siguro perpekto ka na.

Konting pagkakamali ng iba, pinapalaki mo.
Pinagkakalat pa!

At alam mo kung ano pang pinaka`kinaiinisan ko sayo?

Yung akala mong kilalang kilala mo na ako.

Iniisip mo pa na katulad ako ng iba.

Na mahilig sa ganito, sa ganyan.

Kung pagsabihan mo ako, para kang kung sino.

HOI!

Baka nalimutan mo ang lugar mo.

Hindi kita ka`ano`ano.

Kung may problema ka, wag mo akong idamay.

Kung may problema ka naman sa akin, wala akong pakialam.

Kaya utang na loob, wag mo na rin akong pakialaman.

Alam mo kung ano ka?

Nakakairita.

0 churvas:

Post a Comment

Back to Top