0

Bakit Di Ka Nirereplyan ng Crush Mo

So nakuha mo na number ng crush mo, nagpa-unlicall and text ka pa.

Tinext mo siya.
Mga 3 minutes kayung nagtetext pero biglang hindi na naman siya nagreply.

O di kaya, friends na kayo sa FB.
Nagchat ka.
Pero ganun pa rin, hindi ka pa rin niya nirereplyan.

Nag-antay ka, baka naman nag-CR lang. 
O baka kumain sandali.
O baka naman may binili sa tindahan.
O baka nakatulog na.
.
.
.
.
.


Napatanong ka na lang "Why oh why!? What did I do wrong!? Huhuhuh"

Source: Google images

Bakit nga ba hindi ka na nirereplyan ng crush mo?
Or better yet, bakit hindi ka FEEL replyan ng crush mo!?


Puro ka emoticons.

Yung message mo, kung hindi THUMBS UP sa FB, puro na lang smilies at animated stickers.

Source: Google images
Imagine if magkausap kayo in real life, smile ka lang nang smile, hindi ka man lang nagsasalita. Ano ine-expect mong gagawin niya? Edi, tumahimik na rin lang.


Wala siyang load. (applicable lang sa text)

Simple. Wala na siyang load at hindi ka worth it para sa effort niyang pumunta ng tindahan at magpaload. #burn


Wala kang topic.

Napaka-predictable mong kausap. Puro ka lang "Musta na?", "Ano ginagawa mo?".

Wala kang maisip na pwedeng ibang pag-usapan.


Laging ikaw.

Asides sa boring yung puro na lang kamustahan, napaka-annoying na rin pag puro ka na lang pagmamayabang tungkol sa sarili mo.

Ganito ka sa chat o text.
Source:  Google images
In all honesty, kung hindi ka niya gusto, wala siyang paki kung sino ang first crush mo, kung ano ka nung high school ka at kung magkano binabaon mo.

Jejemon ka.

kUn6 g4n!+oh k4h m46+x+, bye bye crush na!

Source: Google images
Except kung magka-lahi kayo.


Kausap niya crush niya.

Sorry, busy siya. Wala na siya time makipag-usap sayo. Kausap niya yung taong gusto niya. Ouch.


May maidagdag ka ba?

Share mo naman sa amin sa comments section. ;)

0 churvas:

Post a Comment

Back to Top